Wednesday, July 26, 2006

"Life"

Ang buhay ay isang araling nagtataglay ng pinakamagagandang pagsasalarawan ng tao: ng kanyang kamangmangan, kamunduhan, kabaliwan, kabalintunaan, katalinuhan, tagumpay, pagmamahal, pasakit, at paglalakbay.

Sa mga nakakamangha at kadalasa’y masalimuot na katangian ng tao, nagiging lantad ang tunay na hangarin niya sa gitna ng mga pagsubok at ligalig na nararanasan niya sa araw-araw. Sa kabilang banda, tama ring sabihin na lumilitaw sa mga karanasang ito ang kanyang mga pangarap, pag-asa at pagpapahalaga.

0 comments: