Wednesday, July 26, 2006

"Wish"

Tanggapin Mo ang pagsamo ko,
At sana ay patnubayan mo.
Puso kong naghihirap ay kalingain,
Iyong ingatan ang nawalang pag-ibig.

Hiling ko na ako’y patatagin.
Kumutan ako ng Iyong lambing.
Isip ko’y buksan at payapain,
Na lungkot at sakit ay kayanin.

Nawala man sa akin ang pag-ibig,
Alam kong may panahon na darating.
Aking hiling ay alagaan siya,
Hawakan ang puso at hagkan siya,
Hanggang sa kanyang pagbabalik.

Kung magtagpo man kaming muli,
Pinagsamaha’y di nawaglit.
Maging magkaibigang turing,
Sapat nang magbuklod sa amin.

0 comments: